DAGUPAN CITY– Wala ng buhay nang matagpuan ang katawan ng isang parlorista sa Brgy. Talogtog sa bayan ng Mangatarem Pangasinan.

Una rito nakatangap ng tawag ang mga pulis ukol sa pagkakatagpo ng wala ng buhay na katawan ng isang Roberto Tadeo, 51 anyos sa loob mismo ng kanyang tahanan sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon na ginawa ng mga otoridad ay lumalabas na isa sa mga kapitbahay ng biktima na kinilalang si Pepito Doque, 48 anyos ang nakadiskubre sa wala nang buhay na katawan nito.

--Ads--

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa insedente upang malaman ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.