Kinomporma ng Commission on Higher Education o CHED Region 1 na magtataas ng matrikula o tuition fee ang ilang private universities and colleges dito sa Rehiyon Uno kasabay ng pagpasok ng school year 2019-2020.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay CHEd Region1 Spokesperson Danilo Bose, kinompirma nito na may mga pribadong unibersidad at kolehiyo ang lumapit sa kanilang tanggapan upang gumiling ng tuition fee increase o pagtaas ng matrikula.

Pinag aralan naman umano ito ng komisyon at dahil nakasunod sa guidelines ng CHED ay naaprubahan aniya nila ang hiling na taas matrikula ng labing pitong private universities and colleges. Inihayag naman ni Bose na walang dapat ipangamba ang publiko, lalong lalo na ang mga nag-papaaral na magulang dahil ang 17 bilang ay katumbas lamang umano ng 18.28 percent sa kabuuang bilang na 93 eskwelahan sa Rehiyon 1.

--Ads--

Samantala, sinabi ni Bose na may karapatan ang mga pribadong kolehiyo at unibersidad na magtaas ng kanilang tuition fee lalo na’t dito lamang umano sila umaasa sa pagpapasahod ng kanilang mga guro o faculty staffs. with report from Bombo Badz Agtalao