Hindi naitago ng National Press Club (NPC), ang pagkadismaya sa gitna ng paggunita ng World Press Freedom.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Paul Gutierrez, Vice President ng National Press Club (NPC), ang kaniyang pagkadismaya dahil walang nangyayarisa panawagan ng pagkakaisa sa kanilang hanay dahil may ilang grupo ang nagkukubli sa pamamagitan ng media na tumatanggap ng pera mula sa mga dayuhan upang guluhin ang sariling bansa.

Samantala, iginiit naman ni Gutierrez, na dapat munang makalaya ng Philippine media mula sa mga dayuhan upang masabi na talagang mayroong press freedom sa bansa.

--Ads--

Dahil nakakalungkot aniya na sa kabila ng ginagawa ng ilang media para mapataas ang kredibilidad ng industriya ay patuloy itong nadudungisan dahil sa ganitong uri ng mga media.

Dagdag pa nito na napapanahon ang paggunita ng World Press Freedom day, upang suriin ang hanay ng media kaugnay sa mga ganitong mga problema na ating kinakaharap.