Kinompiska ng Department Of Trade and Industry o DTI Pangasinan ang mga gamit ng ilang manufacturers dito sa lalawigan matapos na madiskobre na walang import Commodity Clearance (ICC) o product standards mark na siyang patunay na dumaan ang produkto sa kanilang pagsusuri.

Ayon kay Danzel Imus, Trade and Industry Development Specialist ng DTI Pangasinan, nagkaroon ng regional enforcement ang buong hanay ng Departmenr of Trade and Industry o DTI na siyang nagresulta sa pagkakahuli ng ilang mga manufacturers na nagbebenta ng mga substandard na produkto.

Karamihan aniya sa kanilang nasita ay mga produktong wires at cables at ilang mga hardware products.

--Ads--

Samantala, kung paguusapan aniya ang price act, tatlong violation ang maaaring kaharapin ng mga violators na kinabibilangan ng profiteering, hoarding at cartel.

Sa ilalim umano ng hoarding, ang isang manufacturer ay nag iimbak ng sobra-sobrang

inventory at kadalasan ay hindi umano ito ini-re-release sa merkado samantalang sa profiteering naman, sila’y nagbebenta ng nasa higit 10% na ayon sa opisyal ay hindi makatarungang presyo.

Samanatala, ipinaliwanag naman ni Imus na ang mga mahuhulihan ng mga substandard na produkto ay maaaring mapatawan ng kaukulang asunto batay na rin sa kanilang Department

Administrative Order 02-2007 kung saan nakasaad dito na bawat violators ay maaaring magbayad o magmulta ng 25K pesos pataas depende pa sa presyo ng mga produktong sangkot. with reports from Bombo Lyme Perez