Tinamaan ng Russian missiles ang isang civilian container ship sa porte ng Odesa Region ng Ukraine na siyang ikinasawi naman ng 8 katao.
Ayon kay Odesa Governor Oleh Kiper, ito ang ikatlong pag-atake sa civilian vessel sa loob ng apat na araw.
Aniya, tinarget ng Russia ang imprastraktura sa porte at ang mga biktimang Ukranian. Kabilang na sa mga ito ay ang 46-taon gulang na port employee at isang 26 taon gulan na lalaki na nasawi sa ospital dahil sa mga natamong sugat.
--Ads--
Kasabay naman ng mga pag-atake sa mga daungan ng Ukraine sa Black Sea ay ang European tour ni Ukranian Presidenr Volodymyr Zelensky upang bisitahin ang mga lider sa London, Paris at Rome.