Dagupan City – Isang banyagang motorista ang nasangkot sa isang aksidente sa kahabaan ng Tarlac-Pangasinan Road sa Brgy. Poblacion kamakailan.
Ayon kay Pmaj. Mark Ryan Taminaya, Officer In Charge ng Aguilar Police Station, kinilala ang mga sangkot sa insidente na si Slobada Djuric, 72-anyos isang Canadian citizen na may international driver’s license kung saan ay minamaneho nito ang isang sasakyan kasama ang ilan pang banyaga na mga residente ng Aliaga, Nueva Ecija.
Kung saan ay patungo sanang hilaga ang sedan habang papalapit naman sa intersection mula kanluran ang tricycle na minamaneho ni Renato Roque Balmelero, 65, -anyos, isang chef mula Brgy. Poblacion, Aguilar.
Dito na umano nagkasalpukan ang dalawa nang pumasok sa national road at lumiko pakaliwa ang tricycle habang dumaraan ang sedan, dahilan ng kanilang pagkabanggaan.
Walang nasaktan sa insidente, ngunit parehong nagkaroon ng pinsala ang mga sasakyan. Nadala na umano ang dalawa sa himpilan ng Aguilar para sa pag-uusap at gagawing disposisyon.