Ipinahayag ni Israeli Prime Minister na si Benjamin Netanyahu na humigit-kumulang 70% ng kapasidad ng produksyon ng bakal ng Iran ang nawasak dahil sa sunod-sunod na airstrike ng Israel.
Ayon kay Netanyahu, malaking dagok ito sa kakayahan ng Iran na gumawa ng mga armas, dahil mahalaga ang bakal sa produksyon ng mga missile, drone, at iba pang kagamitang militar.
Dagdag pa niya, magpapatuloy ang Israel, kasama ang Estados Unidos, sa kanilang kampanya upang “durugin” ang Iran.
--Ads--
Samantala, sinabi ng mga lokal na opisyal sa Iran na walong katao ang nasawi matapos ang airstrike ng Estados Unidos sa isang tulay na nag-uugnay sa lungsod ng Karaj at Tehran.
Ang nasabing pag-atake ay nagdulot din ng maraming sugatan at pinsala sa imprastraktura.










