Tiniyak ni Executive Secretary Ralph Recto na hindi maaapektuhan ang operasyon ng Office of the President (OP) sa kabila ng 64% bawas sa budget nito para sa 2027.
Inendorso ng House appropriations panel ang P10.15 bilyong budget ng OP para sa susunod na taon, mas mababa kumpara sa kasalukuyang P28 bilyon.
Ayon kay Recto, sapat ang pondo upang patuloy na pangasiwaan ang operasyon ng gobyerno, lalo na sa pagtugon sa mga emergency, maghatid ng serbisyo publiko, subaybayan ang mga programang pang-ekonomiya at protektahan ang pambansang interes.
Paliwanag ni Recto,ang dahilan ng budget cut ay dahil tapos na ang gastusin patungkol sa pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit ngayong taon.
Karamihan sa budget ay mapupunta sa Maintenance and Other Operating Expenses na P7.46 bilyon, habang P1.86 bilyon ang para sa personnel services at P839 milyon para sa capital outlay.
Siniguro ni Recto na mananatiling responsable at maingat ang OP sa paggamit ng pondo.
Aniya, hindi humihingi ng special treatment ang OP para sa kanilang panukalang budget para sa fiscal year 2027.
“We are asking for less while remaining fully prepared to do more,”pahayag ni ES Recto.










