Nasawi ang 6 na katao mataos bumagsak ang light aircraft sa Nairobi, Kenya.
Ayon sa ulat, nagmula sa Charity Amref Flying Doctors ang Cessna plane na galing sa Wilson airport at patungo sana sa Hargeisa in Somalia ng ito ay bumagsak.
Kaugnay nito, nasunog pa ang ilang mga kabahayan kung saan bumagsak ang eroplano sa Githurai area.
--Ads--
Ayon kay Kiambu County Commissioner Henry Wafula na ang mga nasawi ay mga doctors, nurses at piloto ganun din ang dalawang katao sa bahay kung saan bumagsak ang eroplano.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinakasanhi ng nasabing aksidente.