DAGUPAN CITY- Nahulihan ng nasa 3 pakete ng hinihinalang shabu ang isang lalaki sa bayan ng Binalonan matapos magsagawa ang Binalonan MPS katuwang ang PDEA Region 1 ng buy Bust Operation

Nangyari ito sa barangay Sumabnit sa nasabing bayan kung saan naaresto ang isang 51 anyos na lalaki na isang cockfight bet taker/handler.

Tumitimbang ang nakuhang droga sa kanya ng nasa 1.85 grams na nagkakahalaga ng nasa 12,580 pesos.

--Ads--

Bukod sa droga ay nakuha din sa kanyang pangangalaga ang ilan pang ebidensya gaya ng tatlong piraso ng one-thousand-peso bill at isang piraso ng 100 pesos bill na siyang mga boodle money and buy bust money, at isang unit ng selpon.

Dinala ang mga ebidensya sa himpilan ng kapulisan para sa tamang disposisyon habang ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 O Comprehensive Dangerous drugs act of 2002.