Patay ang limang katao matapos ang karambola ng ilang sasakyan sa Virginia.

Ayon sa mga kapulisan, nangyari ang aksidente sa interstate 95 kung saan inararo ng pampasaherong bus ang ilang mga sasakyan sa harapan niya.

Nasunog pa ang isang sasakyan dahil sa matinding pagkabangga nito kung saan apat na katao ang nasawi sa loob ng nasabing sasakyan.

--Ads--

Kabilang sa nasawi na nasa kotse ay ang 13-anyos na batang babae at isang 7-anyos na batang lalaki na pawang naninirahan sa Greenfield, Massachusetts.

Habang ang isang 25-anyos na babae na residente ng Worcester, Massachusetts ay nasawi sa loob ng kaniyang SUV.

Mayroon 44 kataong iba pa ang itinakbo sa pagamutan na nagtamo ng mga sugat dahil sa aksidente.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng aksidente kung saan inihahanda na nila ang kaso laban sa drayber ng bus na kinilalang si Jing S. Dong ng Staten Island, New York.