DAGUPAN CITY- Kulungan ang bagsak ng isang lalaki sa bayan ng San Jacinto matapos itong maharap sa kasong pagnanakaw..
Ayon sa pulisya, kamakailan ng gabi, sa Barangay Sta Cruz, San Jacinto, Pangasinan, nang ihain ang Warrant of Arrest ng mga tauhan ng San Jacinto Police Station para sa kasong Qualified Theft sa isang 47 anyos na lalaki na residente ng nasabing lugar.
Matapos ang pagkaka-aresto, dinala ang suspek sa San Jacinto Police Station upang maisagawa ang tamang proseso. Ang nasabing indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Jacinto PS at naghihintay ng commitment order mula sa korte.
--Ads--
Patuloy naman ang mga awtoridad sa pagtutok sa kaso at inihahanda ang mga hakbang na kinakailangan para sa tamang disposisyon ng kaso.