1 ang mga taga rehiyon lalo na sa mga nasa pilot area na Luna at bangar, La Union, na sumali sa 3rd National Simultaeous Earthquake Drill sa ika-10 Setyembre, ganap na alas dos ng hapon.
Ayon kay Pasolingan, mahalaga ang pagsasagawa ng regular, kung hindi quarterly ay monthly drills upang masanay ang mga kababayan sa kung ano ang mga dapat gawin kung sakaling makaramdam ng pagyanig ng lupa.
Sa pagsasagawa nito, nasusubukan ang kakayahan ng mga ahensiya kung sakaling may mga dapat pang palakasin o may mga best practices na kailangang ipagpatuloy.
“masusukat kung naging epektibo ang drill kung ginawa nila ang mga tama at dapat gawin kung sakaling magkaroon ng lidol” dagdag ni Pagsolingan.
Sa mga obserbasyon, karaniwang nakalilimutan ang duck, cover, and hold dahil madalas na nagpapanik kaagad ang mga nakararanas ng lindol.
Napakahalaga nito ayon kay Pagsolingan upang matiyak ang kaligtasan, lumabas at magtungo rin dapat kaagad sa mga designated evacuation area matapos lamang ang pagyanig.










