DAGUPAN CITY– Natagpuan nang patay ang isang 32 anyos na magsasaka matapos makuryente sa Brgy. Bacag West, sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

Ayon sa impormasyon mula sa Villasis PNP ang suspek ay kinilala bilang si Den Talvo na residente ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan napag-alaman na nang nag-iikot sakanilang sakahan ng gulay ang kapatid ng biktima na si Dan Alvaro Talvo, 25 anyos, nang nadiskubre na lamang nito ang wala nang buhay na katawan ng kapatid nitong si Den na may hawak na isang live wire sa naturang bukid.

--Ads--

Hinihinalang nakuryente ang biktima kayat nang makita ito ng kaniyang kapatid ay agad na pumunta ito sakanilang kubo.

Nalaman nitong nakaon pa ang breaker kaya’t kanuya itong pinatay at itinakbo ang kapatid sa Ordoñez Medical Hospital ngunit ideneklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.