Dagupan City – Nakatanggap ng tawag ang lokal na pamahalaan Mapandan hinggil sa paggamit ng bahagi ng dike bilang drying area ng mga butil ng mais kaya agad na nagpadala ng mga kawani ang LGU upang tugunan ang reklamo.

Sa isinagawang pag-uusap, ipinaliwanag ng mga opisyal sa may-ari ng mga butil na mayroon namang itinalagang lugar ang munisipyo at Barangay Pias para sa wastong pagpapatuyo ng mga produktong agrikultura.

Matapos ang paliwanag, pumayag ang may-ari na ilipat ang mga mais gamit ang rescue vehicle ng MDRRMO.

--Ads--

Upang matiyak na malinaw na naunawaan ng pamilya ang naging aksyon ng pamahalaan, personal na bumisita abg mga opisyal upang magbigay ng karagdagang impormasyon at tulong hinggil sa mga tamang drying facilities.

Kabilang sa mga itinalagang drying areas sa Barangay Pias ang dulong bahagi ng konkretong dike, Farm-to-Market Road sa kahabaan ng Santol Street Extension, at mga basketball court sa Santol Street at Lucban Street.

Ipinaalala rin ng lokal na pamahalaan na hindi maaaring gamitin bilang drying area ang mga pampublikong daanan at right of way alinsunod sa Presidential Decree No. 17 Section 23.