BOMBO DAGUPAN – Hindi na nakaligtas pa ang isang 27 anyos na lalaki matapos na naaksidente sa baku-bakong daanan sa brgy. Capulaan, sa bayan ng Balungao dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Pmaj. Jimmy Paningbatan, Chief of police sa Balungao Municipal Police Station, ang aksidente ay kinasasangkutan ng isang motorsiklo na minamaneho ni Adonis Velasco Velicaria, 27 taong gulang, binata at residente ng Brgy. San Miguel, sa nasabi ring bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon, na ang motorsiklo ay patungong kanluran papunta sa Brgy. San Miguel. Pagdating sa lugar ng insidente, tumama ang motorsiklo sa lubak sa kalsada, nawalan ng kontrol, at dumulas sa kaliwang bahagi ng kalsada.

--Ads--

Nagtamo siya ng mga sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Agad siyang dinala ospital ngunit idineklarang patay na pagdating sa ospital.

Sinabi ni Paningbata na base sa mga nakakita ay mabilis ang takbo ng motorsiklo.

Napag alaman na siya ay nasa ilalim ng impluwensiya ng alak at wala ring suot na helmet nang mangyari ang aksidente.