Dagupan City – Arestado ang isang 24-anyos na lalaki sa isinagawang operasyon ng Bugallon Municipal Police Station sa Brgy. Poblacion bandang alas-11:17 ng gabi noong Abril 29, 2026.

Ang suspek, na isang magsasaka, may asawa, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Salomague Norte, ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court sa Quezon City noong Enero 26, 2026.

Nahaharap ang akusado sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaugnay ng service sentence.

--Ads--

Matapos ang pag-aresto, agad siyang dinala sa Bugallon Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.