Dagupan City – Arestado ang 21-anyos na babae sa bayan ng Calasiao matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Ayon kay Rechie Camacho, Provincial Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan, ito ay sa ilalim ng isinagawang buy-bust operation ng magkasanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Pangasinan Provincial Office, at Calasiao P Station ay nahuli ang babae.

Kinilala naman ito na si Christine Conception at residente ng Pasig City sa Metro Manila.

--Ads--

Nasamsam sa operasyon ang isang pirasong plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 50 gramo at iba pang kagamitan sa ilalim ng ilegal na gawain.

Dahil dito nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa section 5 (sale of dangerous drugs), Article II ng RA 9165, o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Nanawagan naman ito sa publiko na hindi tumitigil ang kanilang ahensya at hanay ng kapulisan sa pagsugpo ng ilegal na gawain at mapanatili ang kapayapaan ng lalawigan.