Dagupan City – Nahuli ang 20-anyos na lalaki na nagtitinda ng kandila sa bayan ng Manaoag matapos ang isinagawang buy bust operations ng kapulisan sa barangay Pantal.
Pinangunahan ito ng Manaoag Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 (PDEA RO1) upang maisagawa ang operasyon.
Nakumpiska sa kanya ang 0.08 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na PhP544.00.
Bukod sa droga, nakumpiska rin ang isang piraso ng dusted PhP500.00 bill at isang barya na piso.
Samantala, isinagawa naman dito ang inventory at pagmamarka ng mga ebidensya sa presensya ng mga kinakailangang testigo.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa mga kaukulang kaso habang patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa mga posible pang sangkot sa illegal na gawain sa bayan.