Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang ikalawang minor phreatomagmatic eruption sa Main Crater ng Bulkang Taal nitong Martes ng gabi.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang pagputok bandang alas-8:09 ng gabi at tumagal ng humigit-kumulang apat na minuto.

Nagbuga ang bulkan ng abo at makapal na usok na umabot sa tinatayang 2,800 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan.
Nakuha rin ito ng thermal camera observation stations ng PHIVOLCS sa Taal Volcano Island.

--Ads--

Mas maaga ring naitala ang unang pagputok ng bulkan bandang alas-2:29 ng hapon na tumagal naman ng tatlong minuto.
Umabot sa 2,000 metro ang taas ng ibinugang abo at usok nito bago dinala patungong timog-silangan.

Sakabila nito nananatili parin sa Alert Level 1 ang status ng Bulkang Taal, na nangangahulugang may mababang antas ng volcanic unrest. | via Bombo John Florez