Dagupan City – Nasawi ang dalawang indibidwal sa parehong araw kamakailan sa lungsod ng Dagupan partikular sa kahabaan ng kalsada sa Brgy. Lucao. sa syudad.

Ayon kay Pcpt. Shyne Daciego, Police Community Affairs and Development Officer ng Dagupan City Police Station, nangyari ang unang aksidente bandang alas 2 ng madaling araw.

Lumalabas naman sa imbistigasyon na mula pa sa bayan ng Labrador ang 20-anyos na mag-aaral na hinihinalang nakainom mula sa isang inuman at pauwi na sana sa kaniyang inuupahan sa lungsod ngunit bigla itong nawalan ng kontrol hanggang sa bigla na lang itong humarurot.

--Ads--

Samantala, ang pangalawang aksidente naman umano ay nangyari bandang alas 3 ng madaling araw na kinasasangkutan naman ng dalawang motorsiklo.

Ayon sa imbistigasyon, lumalabas na kinain ang linya ng isang motorsiklo kung kaya’t nangyari ang malakas na pagkabanggasa dalawang ito na siyang ikinasawi naman ng 58 anyos na mangingisda.

Napag-alaman din na wala itong suot na helmet at nakainom sila ng nakabanggan niyang 21-anyos na lalaki mula sa bayan ng Lingayen.

Sa kasalukuyan, humaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang 21 anyos na lalaki ngunit nakaospital arrest ito dahil sa natamong mga injury.