Sinabi ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee chair Panfilo ” Ping” Lacson na hindi lamang siya ang ang nagiisang kumikwestyon sa kridibilidad ng 18 indibidwal na nagpapakilalang dating mga sunadalo na nauugnay sa cash delivery scheme ng di’umanoy P805-bilyong kickbacks mula sa flood control projects.

Ayon kay Lacson, ang mga mungkahing ipatawag nalamang niya ang 18 dating sundalo upang dumalo sa isang pagdinig ay para lamang umano malaman ang katotohan kung nagsisinunghaling ang mga ito, at iginiit na ang mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee ay nilalayong alamin ang katotohanan, at hindi lamang ilantad ang mga kasinunghalingan.

Binigyang-diin ng senador na kung hindi kayang kwentahin ng isang tao ang katotohanan, hindi dapat ito nagsasalita tungkol sa mga numero, katulad aniya ng sinabing umano’y P805-bilyon cash delivery scheme na di umano’y dinilever sa ilang matataas na opsiyal ng gobyerno kabilang ang dating House Speaker Martin Romualdes sa utos ng dating kongrisista na si Elizaldy Co.

--Ads--

Iginiit ni Lacson na tungkulin niyang suriin ang kredibilidad ng pinagmulan at ng mismong impormasyon bago magpatawag ng pagdinig, dahil ayaw umano niyang mauwi sa isang sirko o joyride ang mga pagdinig sa Blue Ribbon Committee.

Matatandaan na naunang sinabi ni Lacson na sinumulan na niya ang background investigation sa 18 indibidwal at pati na rin ang birepikasyon ng mga alegasyon.

Samantala, sinabi naman ni Lacson na bukas siyang makipagpulong kay Atty. Levito Baligod na siyang nagpiprisinta sa 18 datinng mga sunadalo, upang maiayon sa “realm of possibilities” ang testimonya ng mga ito sa umano’y mga cash delivery.