DAGUPAN, CITY—Nakarekober na ang 15 police personnel sa lalawigan ng Pangasinan na nagpositibo sa Covid 19 noong July 24.
Base sa official statement ng Pangasinan Police Provincial Office, natapos na ng mga ito ang 14 days quarantine at nakauwi na ang mga ito sa kanilang bahay.
Samantala, pitung bagong recoveries ang naitala sa Probinsya. Huling nakapagtala ng apat na bagong kaso noong Sabado.
Dito sa Pangasinan ay nasa 262 ang positive confirmed cases at 208 diyan ang mga gumaling na matapos makapagtala ng panibagong pito (7) na nakarekober.
12 ang mga nasawi kaya’t 42 pa ang mga nagpapagaling.
Dito naman sa lungsod ng Dagupan, isa na lang ang covid 19 active case sa lungsod ng Dagupan. Hindi na rin nadagdagan ang 40 covid patient sa lungsod.
Gayunman, nagpaalala ang City Health Office na hindi pa rin puwedeng mapanatag at tuloy-tuloy pa ang kanilang programa para mapigilan ang pagkalat ng virus.