DAGUPAN CITY–Inamin ng Wushu 2-time gold medalist sa 30th Sea Games 2019 na si Agatha Wong, na hanggang sa ngayon ay hindi parin ito makapaniwala sa kaniyang pagkakapanalo matapos masungkit ang dalawang gintong medalya para sa Team Pilipinas sa sporting event na wushu.

Sa panayam ng bombo radyo kay Agatha Wong, inihayag nito na hindi naging madali ang kaniyang mga ginawang paghahanda para sa kaniyang laban sa sport na wushu dahil marami rin itong pinagdaanan.

Kuwento pa niya na napaiyak ito sa sobrang saya sa unang nakuhang gintong medalya.

--Ads--

Inihalimbawa niya ang pressure na kaniyang naramdaman dahil sa expectation din ng karamihan lalo na ng kaniyang pamliya na muli siyang makasungkit ng gintong medalya.

Wushu 2-time gold medalist Agatha Wong

Pinasalamatan naman ni Wong ang lahat ng sumuporta at nagtiwala sa kanya.

Panawagan din nito na sana ay hindi lamang siya ang suportahan ng ating mga kababayan kundi ang maging mismong ang sport na wushu lalo na at hindi masyadong kilala ang sport na ito dito sa Pilipinas.

Wushu 2-time gold medalist Agatha Wong

Dagdag pa niya na hindi rin nito direktang masasabi na advantage para sa mga atletang pinoy na dito sa ating bansa ginanap ang SEAGAMES kundi mas naging malaki pa itong hamon para sa mga tulad nilang mga atleta na siyang magrerepresenta sa Pilipinas .