Hindi na bago sa larangan ng professional boxing ang iba’t ibang injuries tulad ng pagputok ng kilay, nasirang ilong, at marami pang iba.

Kakaiba kase sa laban nina Jarrell Miller at Kinglsey Ibeh sa Madison Square Garden noong sabado.

Sa lakas ng mga pagpapaulan ng suntok ni Ibeh kay Miller ay may natuklap kay Miller.

--Ads--

Hindi ito anumang natural na bahagi ng katawan ng boksinger kundi ang wig nito.

Napaangat ang ulo ni Miller nang tanggapin ang right uppercut ni Ibeh dahilan upang ang kanyang buhok na wig pala ay mapaangit din.

Gayunpaman, tulad ni Miller, survivor din ang kaniyang wig dahil natapos ang naturang round nang hindi tuluyang natutuklap ang kaniyang wig.

Sa sumunod na round, tuluyan na itong tinanggal ni Miller at kaniyang inihagis sa mga manonood.

Sa kabila ng insidente, natanggal man ang kaniyang wig, kuminang naman ang kaniyang bumbunan mula sa pagkapanalo via split decision.