Dagupan City – Mga kabombo! Sino sa inyo ang mahilig makipagbasaan?

Iyun bang naliligo ka sa gripo tapos mahilig kang magbuhos ng tubig sa iyung kasama?

Ganito kasi ang selebrasyon ng kapistahan sa wattah wattah o basaan festival nitong San Juan.

--Ads--

Kakaibang selebrasyon, ngunut hindi naging maganda ang naging pagtanggap ng mga netizens sa mga kwentong baon ng mga naroon sa araw ng basaan sa nasabing pagdiriwang sa lugar.

Ayon sa ulat, pinigilan umano ng mga batang lokal sa San Juan ang sinasakyan nilang jeep at binuhusan naman ng isang drum ng tubig ang batang nakaupo kasama ang nanay nitong umiiyak habang nagmamakaawa na huwag ituloy ang pambabasa.

Kung saan maski ang mga studyanteng papasok lang sana na sakay ng sang jeep,ay nabasa.

Dahil dito, wala ring naging takas ang studyanteng dala pa mismo ang kanyang thesis paper ay nabasa.

Dagdag pa ang mga nasiraan ng gadgets, gaya ng laptop at cellphone na ibinahagi sa social media ang hinaing.