BOMBO DAGUPAN – Pinawi ni Tom Valdez, San Roque Power Corp. vice president for corporate social responsibility, ang pangamba ng publiko sa posibleng pag apaw ng tubig sa San Roque dam pagpapakawala ng tubig ng Binga at Ambuklaw dam at tuloy tuloy na pag ulan.

Sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, as of 9:00 AM, sinabi ni Valdez na umabot pa lang sa 229.71 meters above sea level ng dam na malayo pa rin sa 280 meters above sea level na spilling level.

Sinabi ni Valdez na noong pagpasok sa bansa ng bagyong Carina ay sobrang mababa ang level na nasa 226.6 kaya nakatulong ang habagat dahil nakadagdag ito sa tubig sa dam

--Ads--

Ang pinakawalang tubig ng Binga at ambuklaw ay nasasalo naman ng San Rque dam pero asahan na sa pagsisimula ng tag ulan ay paunti unti na tataas at ang tubig na dumadaloy ay pupunta na sa reservoir.

Gayunman ay kailangan na bantayan ang mga paparating na bagyo baka maulit aniya ang nangyari noong 2009 na sobra sobra ang ulan.