Naglabas ng panibagong babala si U.S. President Donald Trump laban sa Iran matapos ang kanyang kontrobersyal na pahayag sa Truth Social, kung saan binanggit niya ang posibilidad ng pag-atake sa mahahalagang imprastraktura ng bansa.

Sa kanyang post, sinabi nito na sa martes ang Power Plant Day at Bridge Day, na nagpapahiwatig ng posibleng sabayang pag-target sa mga planta ng kuryente at mga tulay sa Iran.

Ang naturang pahayag ay bahagi ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran kaugnay ng Strait of Hormuz, isang mahalagang daanan ng langis sa buong mundo.

--Ads--

Nauna nang nagbigay si Trump ng ultimatum sa Iran na makipagkasundo sa U.S. o muling buksan ang naturang strait upang maibalik ang normal na daloy ng kalakalan ng langis.

Nakatakda namang magtapos ang deadline ng ultimatum ng alas-8:00 ng gabi sa Lunes (Martes sa Pilipinas).