Muling magpapatupad ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo para sa linggong ito.

Sa magkahiwalay na abiso, magkakaroon ng price hike sa Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. kung saan ang gasolina at kerosene ay magtataas ng P1.00 kada litro. Habang P1.40 naman sa diesel.

Ipapatupad din ito ng Clenfuel at Petro Gazz, maliban na laamang sa kerosene na hindi nila dala.

--Ads--

Ang mga pagbabago ay magkakabisa bukas ng ika-6 ng umaga,araw ng Martes, Enero 7, para sa lahat ng mga kompanya maliban sa Cleanfuel na magtataas ng presyo bukas ng ika-4:01 ng hapon.