Dagupan City – Nagbigay ng karangalan sa Bayan ng Binmaley at sa Pilipinas si Dean Marco Soriano Ducut matapos hiranging Grand Winner ng Mr. Tourism Ambassador Universe 2026 na ginanap sa Malaysia.

Si Ducut, na itinanghal ding Mister Northern Philippines 2026, ay matagumpay na kinatawan ang bansa sa international competition at naitaas ang bandila ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado.

Ipinahayag ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley, sa pangunguna ni Mayor Pedro A. Merrera III, ang pagbati at pagkilala kay Ducut sa kanyang tagumpay na nagdala ng karangalan sa kanyang bayan at sa buong bansa.

--Ads--

Ang kanyang pagkapanalo ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang Binmalenian na patuloy na mangarap, magsikap at gamitin ang kanilang talento upang makamit ang tagumpay.

Ipinakita rin ng tagumpay ni Ducut ang kakayahan ng mga Binmalenian na makipagsabayan sa pandaigdigang larangan at maging kinatawan ng Pilipinas sa mga prestihiyosong internasyonal na kompetisyon.