DAGUPAN CITY- Isang nakagugulat na pangyayari ang kasalukuyang trade war ng bansang Canada at Estados Unidos dahil matagal na itong allied countries o magkaibigang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ruth Marie Magalong, Bombo International News Correspondent sa bansang Canada, nagkakaroon ng trade war ang bansang Canada at United States sa kasalukuyan.

Aniya, hindi magkakaroon ng backdown ang nasabing bansa dahil hindi papayag ang mga mamamayan at kanilang pamahalaan sa nasabing taripa.

--Ads--

Sa sitwasyong ito, consumers ang magiging kawawa sa kasalukuyang pangyayari.

Dagdag niya, very polite at very friendly din umano ang bansang Canana, kaya’t isa aniya sa nakikitang dahilan ng palitan ng 20% na taripa ay ang political conflict na nagpasimula kay US President Donald Trump.