Kasalukuyan pa ring inaalam ang kabuuang danyos ng dalawang bahay na natupok ng apoy sa barangay Agdao, sa siyudad ng San Carlos.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Acting City Fire Marshal, F/SInsp. Michelle Sicat, wala umanong tao sa loob ng mga nasunog na bahay nang mangyari ang insidente kaya’t posible umanong electrical fire ang dahilan nito.
Siniguro naman nito na hindi nagtagal ang sunog at walang naitalang nasawi sa pangyayari.
--Ads--
Dagdag ng Fire Senior Inspector, mababa ang bilang ng naitalang mga ganitong uri ng sunog ngayong taon sa nabanggit na lungsod.