BOMBO DAGUPANInaasahan ng gobyerno ng Estados Unidos na tatanggapin ng Israel ang kanilang ceasefire proposal na magsisimula sa 6 na linggong pagtigil ng labanan sa Gaza, kung ito ay tatanggapin din ng Hamas.

Inilabas ni President Joe Biden noong nakaraaang linggo ang 3-part plan. Kabilang sa nasabing plano ang pagdagsa ng humanitarian aid at ang pagpapalitan ng mga bihag bago ang permanenteng pagtigil ng gyera.

Subalit, labis naman itong sinalungatan ng ilang miyembro ng gobyerno ng Israel.

--Ads--