Dead on the spot ang tatlong mag aama matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang tricycle sa isang van sa Tarlac City.

Kinilala ang driver ng tricycle na si Elesio Mariano habang ang driver naman ng van ay natukoy bilang si Mario Soriano.

Ayon sa imbistigasyon ng mga otoridad, patungo sana ng Sta Ignacia Tarlac si Mariano kasama ang kanyang dalawang anak na si Eloisa at Joshua Mariano upang bumili ng bagong damit na kanila sanang isusuot sa nalalapit na graduation ng bigla na lamang sumalpok ang kanilang sinasakyang tricycle sa van na minamaneho naman ni Soriano.

--Ads--

Sa lakas ng impak, pumailalim at nagulungan pa ng van ang mag amang si Elesio at Joshua habang nasunog naman ang katawan ni Eloisa matapos na sumiklab ang apoy sa kanilang sasakyan.

Todo dipensa naman ang drayber ng van na si Soriano at sinabing mabagal lamang ang kanyang pagpapatakbo. Aniya, sinaklaw umano ng tricycle ang kanyang linya dahilan upang sila’y magkabanggaan.

Samantala, nahaharap sa kasong Reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property ang naarestong suspek.