DAGUPAN CITY – Nasawi ang tatlong kabataan matapos malunod sa isang ilog na matatagpuan sa Barangay Garcia, Tubao, La Union.

Ang tatlong biktima ay 16 taong gulang, isang Grade 10 student na naninirahan sa lugar; isang 19 taong gulang, college student na nakatira sa Villasis, Pangasinan; at ang pangatlo, na hindi pa matukoy na edad at pangalan, dahil hindi pa ito naiulat.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagpunta ang tatlo sa Aringay-Ifugao River upang maligo.

--Ads--

Ngunit habang naliligo, naitulak sila ng malakas na agos papunta sa mas malalim na bahagi ng ilog, na pinaniniwalaang sanhi ng kanilang pagkalunod.

Samantala, bago dumating ang mga awtoridad, isang concerned citizen ang nagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) sa mga biktima, ngunit sa kasamaang palad, hindi na nila muling nabuhay.

Idineklara ng mga otoridad na pawang patay na ang tatlo.