Bagaman normal ang galit bilang emosyon, nagiging problema ito kapag hindi na kontrolado at nagdudulot ng stress sa katawan at isipan.

Ito ang ipinaliwanag ni Dr. Argel B. Masanda, Psychologist, sa isang panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kung saan tinalakay ang kahalagahan ng anger management.

Ayon kay Dr. Masanda, lahat ay nakakaramdam ng galit, ngunit nagiging anger management issue ito kapag sumosobra at hindi na nakokontrol ang reaksyon ng katawan.

--Ads--

Ipinaliwanag ng psychologist na ang galit ay isang matinding emosyon na mas malakas magdulot ng stress kumpara sa kalungkutan o takot.

Kapag napapadalas ang galit, maaaring may problema kang hindi hinaharap.

Dahil dio tumataas ang antas ng cortisol, ang stress hormone, at maaaring lumabas ang mga sakit na namamana.

Binanggit din niya rin na ayon sa mga medical professionals, ang stress ang isa sa pangunahing dahilan ng kamatayan, higit pa sa cancer.

Ayon kay Dr. Masanda, may pagkakaiba ang anger management depende sa edad.

Sa mga bata, normal ang tantrums dahil hindi pa nila kontrolado ang emosyon.

Sa kabataan, mas sensitibo sila sa damdamin ng iba.

Sa mga adult, mahalaga na matured na ang pag-handle ng emosyon at hindi inaasahan na i-adjust ng mundo ang damdamin ng isa.