BOMBO DAGUPAN- Mas pinili na lamang ng 55 anyos na suspek na si Eric Adams sa North Last Vegas na magpakamatay kaysa magpahuli sa mga otoridad nang ma-corner ito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Isidro Madamba, Bombo International News Correspondent sa USA, inutusan umano ito ng mga kapulisan na ibaba ang baril ito subalit binaril nito ang kaniyang sarili.

Aniya, noong lunes pa umano pinaghahanap ang suspek dahil sa mga insidente sa pamamaril sa malalapit na apartment sa nasabing lugar.

--Ads--

Kung saan 5 umano ang nasawi, kabilang ang 2 may edad na babae, habang nasa kritikal na kalagayan ang 13 taon gulang na babae.

Gayunpaman, ayon sa mga otoridad ay isolated case ang insidenteng ito.

Samantala, kumpara noong nakaraang taon, umaasa si Madamba na bababa ang kaso ng gun violence sa Estados Unidos para sa 2024.

Sa ngayon kase nasa halos 300 pa lamang umano ang mga kaso ng pamamaril.

Nagkaroon man ng bagong panuntunan sa pagbili ng baril sa kanilang bansa subalit nananatiling ito pa din ang problema nakinakaharp nila.