Siniguro ng Samahan ng Magbabangus ng Pangasinan Agriculture Cooperative na sapat ang suplay ng bangus sa lalawigan ito ay sa kabila ng malamig na panahon.

Ayon kay Christopher Aldo F. Sibayan, Presidente ng nasabing grupo bagama’t ang weather condition o weather system ay papalit-palit rest assured na ang volume ng napoproduce na suplay ng bangus ay sapat.

Aniya na ang lalawigan ang pinakamalaking producer ng bangus sa bansa na may kabuuang 25 porysento sa kabuuang suplay.

--Ads--

Bukod dito ay nakausap na din ng kanilang grupo ang ibang mga major stakeholders at ayon sakanila ay makapal ang suplay at hindi nawawalan.

Inaasahan naman na pagdating ng buwan ng Marso at Abril ay bababa ang presyo ng bangus.

Samantala, nakaantabay naman at nakaalalay ang BFAR sa mga producers upang mas mapalakas pa ang industriya ng magbabangus sa bansa.