Magiging sapat ang suplay ng agricultural products ngayong ‘ber’ months.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Spokesman Assistant Secretary Arnel de Mesa, kabilang dito ang suplay ng sibuyas, karne ng baboy, manok, at baka, at bigas.

Tinitiyak din ng DA na ang nasabing mga produkto ay nasa tamang presyo.

--Ads--

Sinabi ni De Mesa na bumabalik na sa dati ang suplay ng mga pangunahing bilihin, at nakalatag na rin ang plano ng ahensiya na mag-import ng karneng baboy, manok, at baka sakaling kapusin ang suplay nito.

Dagdag pa niya na na napakaganda rin ang supply ng local na bigas at imported sa kabila ng mga nangyaring kalamidad mula El Niño at ang mga sunud-sunod na bagyo.