BOMBO DAGUPAN- Labis na ikinatuwa ni Sparkle Artist Matthew Uy ang mapabilang sa isang teleserye na ginaganap ng dalawang mahusay na aktres.

Gumaganap si Matthew bilang si Edward Balay sa drama-crime-mystery primetime series na Widow’s War, kasama sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Sinabi ni Uy, masaya siyang makatrabaho sina Bea, lalo na ang kaniyang ate na si Carla.

--Ads--

Pinuri naman ng aktor ang dalawang aktres dahil bukod sa magagaling ang mga ito, madali aniya silang pakisamahan. Hirit pa niya, na-starstruck siya sa mga ito.

Ikinuwento naman ng newbie actor, noon una ay kinakabahan siya tuwing kakausapin niya ang mga ito subalit, kalaunan ay gumaan din ang kaniyang loob sa tuwing kausap na niya sina Bea at Carla.