Mga kabombo! may kakilala ka bang siga sa inyong lugar?
Ngunit, hindi lang siga kundi-sigang pulis?
Isang pulis kasi na nag-amok ang hinubaran at itinali sa poste ng mga inaway niyang empleyado sa Para, Brazil.
Kung saan, makikita ang pulis na dinatnang nakahubad ng mga kasamahan niya sa trabaho, ngunit hindi agad siya pinakawalan at sa ganito siyang estado kinausap.
Lumabas sa imbestigasyon na nagka-away ang pulis at ang mga tauhan ng isang energy company.
Batay sa ulat, sa naging pahayag ng mga manggagawa sa bansa, nasira ang kanilang truck kaya natigil ito sa gitna ng kalsada.
Tiyempo umanong napadaan ang pulis at inutusan niya ang mga empleyado na itulak ang truck para makadaan ang kaniyang sasakyan.
Ngunit, hindi nakuntento ang pulis sa espasyo kaya pinagmumura niya ang mga empleyado. Dahil dito, pinagtulungan siya ng mga manggagawa at itinali sa poste bago sila tumawag ng pulis.
Dinakip ang pulis at mahaharap sa reklamo matapos magbanta at atakihin umano ang mga empleyado. Nangako naman ang mga awtoridad na hindi nila bibigyan ng espesyal na pagtrato ang kanilang kabaro.