Nagpakitang gilas ang Senegal matapos talunin ang Iraq sa iskor na 5–0 nitong Biyernes sa BMO Field, Toronto, Canada sa Group I ng FIFA World Cup 2026.
Maagang nakapuntos si Habib Diarra sa ika-4 na minuto, sinundan ni Ismaïla Sarr at dalawang goal ni Pape Gueye sa ikalawang kalahati.
Idinagdag ni Iliman Ndiaye ang panghuling goal sa ika-82 minuto upang tuluyang dominahin ang laban.
--Ads--
Sa panalo, nakapagtala ang Senegal ng kanilang unang puntos sa torneo at nakapasok sa knockout stage bilang third placer ng grupo.
Samantala, na-eliminate ang Iraq matapos magtapos na walang puntos at may goal difference na -11.
Dinaluhan ang laban ng mahigit 43,000 fans, na nagpatunay sa mainit na suporta ng mga manonood sa World Cup 2026.










