Usap-usapan ngayon sa social media ang pagiging kabilang sa ‘Billionaires list’ ng Hollywood actress at singer na si Selena Gomez.

Lumalabas kasi na nasa $1.3 bilyon ang yaman ng 32-year-old known artist na si Selena.

Nakikita naman na isa sa nagkaroon ng malaking ambag sa kaniya ay ang kaniyang Rare Beauty make-up company na inilabas noong nakaraang limang taon.

--Ads--

Dahil dito, nagresulta umano ito sa pagkakabilang ni Selena sa ‘youngest female self-made’ billiionaire kasama sina Taylor Swift at Rihanna.

Bukod sa kaniyang make up company ay ilang milyon din ang kaniyang kinikita sa mga endorsements sa mga kilalang luxury brand.

Si Selena ay ipinanganak sa Texas na isang half Mexican half American, habang sumikat naman ito dahil sa kaniyang pagiging fashionista. Kung saan ay umani ito ng may pinakamaraming followers sa Instagram na aabot sa higit 424 milyon ang kaniyang fans.