DAGUPAN CITY–Pinabulaanan ng Samahan ng Industriya at Agrikultura (SINAG) na may panibagong outbreak ng African Swine Fever (ASF) ang lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay matapos maipaulat ang mataas na kaso ng naturang sakit ng mga alagang baboy kamakailan sa ilan bayan dito sa probinsya.

Ayon kay Engr. Rosendo So, Presidente ng naturang samahan, kanyang ipinaliwanag na ang nabanggit na bilang ng kaso sa lalawigan mula sa Department of Agriculture (DA) ay delayed na umano ng dalawang buwan.

--Ads--

Ibig sabihin umano, ang mga naturang tala ay mula pa noong nakalipas na mga buwan at ngayon lamang ito nairereport sa nabanggit na ahensiya.

Aniya, na-cull o napatay na rin ang mga baboy na natamaan ng ASF sa probinsya kaya sa ngayon ay wala pa naman umanong outbreak ng naturang sakit sa lalawigan.

Engr. Rosendo So – Presidente ng Samahan ng Industriya at Agrikultura (SINAG)

Dagdag pa nito, simula nang tumama ang nabanggit na sakit ng baboy sa Pilipinas, ay kaunti na lamang umano ang nag-aalaga ng baboy dahil na rin sa pagkalugi.