Dagupan City – Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ang matatawag na “unpredictable conversation” nila ng kaniyang ina na si Annabelle Rama.

Ayon kay Ruffa, nag-message ang kaniyang ina sa kaniya at humihingi ito ng larawan ni Maris Racal’s bilang kaniyang reference dahil sa new haircut nito.

Dagdag pa nito, minamadali siya ng ina na padalhan ng picture ni Maris, at nang tanungin siya nito, sambit na lamang ng ina na nais din nitong gayahin ang hairstyle ni Maris partikular na ang bangs nito.

--Ads--

Matatandaang unang nakita ang popular hairstyle ni Maris sa kaniyang karakter sa isang palabas sa isang netowork na kinabilangan din ni Ruffa.

Dahil din sa kaniyang karakter, nakilala ang kanilang loveteam ng kaniyang on-screen partner na si Anthony Jennings bilang si Snoop.