DAGUPAN CITY–Sinisiguro ng Region1 Medical Center na maayos ang disposal ng kanilang medical waste upang hindi magkaroon ng anumang masamang epekto ito sa mga tao lalo na ngayong patuloy parin ang pagkalat ng Covid-19.

Ayon kay Region1 Medical Center Director Dr. Roland Mejia may kampanyang otorisado ng denr na kumukuha ng waste sa ospital upang siguraduhing walang naiipon na infectious waste dito.

Sa mga covid19 isolation rooms naman ng naturang hospital ay mayroong existing infection control measure kung saan maayos na dinidisinfect ang mga ito.

--Ads--

Disposble din ang ginagamit na PPE ng mga medical workers dito kayat matapos gamitin ay tinatapon na ito agad upang hindi magkaroon ng hawaan dahil dito.

Sa ngayon ay napakarami umano nang mga nakaisolate sa naturang hospital na mas mataas ngayon kumapara noon na isa o dalawa lamang ang mga pasyente.

Marami umano ang mga asymptomatic na positibo sa covid19 dahil natatakot ang mga ito at ayaw nilang maisolate sakanilang kabahayan.

Dagdag pa dito ay mas mataas ang chansa na makahawa ito sakanilang pamilya dahil kahit asymptomatic ay pwedeng makahawa sa ibang tao.

Saad pa ni dr mejia na kelangan ng maayos na isolation sa mga pasyente dahil nagkakaroon sa ngayon ng madaming local community transmission.

Hininto na rin nila ang kanilang admission sa mga pasyente dahil puno na ang kanilang tanggapan at wala nang paglalagyan kayat kinakailangan na lamang maghome quarantine.

Nagbigay mensahe naman ito na ipairal ang prevention sa sakit dahil ito lamang ang pag asa hanggang wala pa ang availability ng bakuna.