DAGUPAN CITY- Naligo na sa dugo ang isang motorista at durog na ang kanyang motorsiklo matapos bumangga sa kasalubong na SUV sa bahagi ng kalsada sa Brgy. Taloy, Malasiqui.

Ayon kay PCapt. Cruzaldo Gano, PCAD officer ng Malasiqui PNP, pa-northbound ang SUV habang patungong Malasiqui ang motorsiklo.

Ayon sa imbestigasyon, may sinusundang sasakyan ang motorsiklo at nag-tangkang mag-overtake sa pakurbang bahagi ng kalsada nang salubungin at banggain ang SUV.

--Ads--

Dead on arrival (DOA) ang driver ng motorsiklo habang minor injuries lamang ang tinamo ng SUV driver.

Naka-helmet at kumpleto naman umano sa protective gear ang rider, at negatibo sa alak ang parehong panig.

Dagdag niya na batay din sa mga nakasaksi, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo bago ang banggaan.

Agad namang nakarating sa lugar ang mga pulis at rumesponde sa insidente.

Paalala ng Malasiqui PNP sa lahat ng motorista na sundin ang batas trapiko upang maiwasan ang trahedya sa kalsada.