Umabot na sa halos dalawang linggo ang ginagawang pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR mga bayan ng Western Pangasinan dahil sa red tide.

Hanggang ngayon, positibo pa rin sa red tide toxins ang baybayin o coastal waters sa mga bayan ng Anda at Bolinao.

Patuloy pa rin ang pag abiso ng BFAR sa mga residente na bawal munang hulihin, ibenta at kainin ang mga shellfish sa kanilang karagatan. Ayon sa naturang tanggapan, ang namataang red tide toxins sa mga nabanggit na bayan ay lubhang peligroso kalusugan ng publiko.

--Ads--

Gayunman, nilinaw ng BFAR na ligtas namang kainin ang mga isda, pusit at alimango na mahuhuli mula sa bayan ng Anda at Bolinao subalit kinakailangang matiyak na sariwa ito at hinugasang maigi.