Dagupan City – Nagsagawa ng pagpupulong ang Pangasinan State University (PSU) noong Marso 12, 2026 sa Lingayen Campus para sa pag-update ng Citizen’s Charter nito.
Layunin ng aktibidad na mapabuti ang serbisyo ng unibersidad at matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) alinsunod sa Ease of Doing Business Law.
Tinalakay sa pulong ang pagpapahusay ng mga proseso at pagkakaroon ng iisang pamantayan ng serbisyo sa lahat ng kampus ng PSU.
--Ads--
Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga ARTA focal persons at kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng unibersidad na maghatid ng episyente at transparent na serbisyo publiko.










