Dagupan City – Sa layuning maibahagi ang mission at vision ng paaralang Pangasinan State University hindi lamang sa kanilang paaralan at mga estudyante ngunit maging sa labas at iba’t ibang lugar ar sa pamamagitan ng kanilang outreach program and volunteer program na PSU Communiversidad.
Ayon kay Dr. Elbert Galas ang siyang presidente ng Pangasinan State University na ito ay tumutukoy sa mga programa at proyekto ng unibersidad na may kinalaman sa pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Maaaring tumutukoy ang “PSU Communiversidad” sa mga programa o aktibidad ng Pangasinan State University (PSU) na may kinalaman sa pakikipag-ugnayan sa komunidad at at magbigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na makipag-ugnayan sa mga tao sa labas ng kampus at gayundin na naglalayong tugunan ang mga pangangailangan ng mga komunidad sa pamamagitan ng research, training, at iba pang aktibidad.
Ang PSU Communiversidad ay isang mahalagang bahagi ng misyon ng unibersidad na magbigay ng serbisyo sa komunidad at mag-ambag sa pag-unlad ng rehiyon.
Dagdag pa anya na nakikipag-ugnayan din sila sa iba’t ibang mga ahensya at organization para sa pagpapalawak ng mga nagnanais mag boluntaryo at nakiisa sa kanilang programa.
Kung saan bilang bahagi rin sa kakatapos lamang na pistay dayat ay nakiisa ang paaralan na nagtay ng kanilang sariling booth at ipinapakita ang naturang programa at ilang mga produkto na mula sa kanilang mga estudyante.